Tilamsik ng Dugo

Play by | March 5, 2017

(Unang Bahagi)

Tagpo: Isang lugar sa Mindanao

Mga Tauhan:

John: sundalo, may asawa.

Elaine: asawa ni John.

Abdul-Malik: nagnanais sumapi sa rebolusyon, may asawa ‘t anak.

Noraisa: asawa ni Abdul-Malik.

Farida: rebolusyonaryo, pangalawang asawa ni Abdul-Malik
(Magbubukas ang dula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga magsisiganap sa anyong pagdarasal – Muslim at hindi Muslim.)

KORO: Nanunuot sa kalamnan ang lamig ng hanging dumadampi sa pisngi lalo na sa may mga buhanginan sa isang isla ng Mindanao. Tumatarak, sumusugat ang mga kutsilyong mandi’y hawak ng dilim na bumabalot sa naghuhumiyaw na katahimikan ng lupa. Sumisirit ang sariwang dugong may mga katagang sumasabay sa pagbulwak ng mapulang likido. Binabaybay nito at niyayakap ang mga katotohanang pilit ikinukubli sa likod ng mga hungkag na pangarap. Ang dugo ay nananambitan, naghihinagpis, nanunumbat, humihiyaw. Ang bugso ng galit sa katahimikan at ang dugo ay iisa.

Elaine: Lagi na lang kasi yang uniform mo ang inaatupag mo. Pakiramdam ko ‘yang baril mo ang pinakasalan mo e.

John: Tama na Elaine ano ba? Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo. Lagi na lang ba tayong ganito?

Elaine: Oo nga John. Lagi na lang ba tayong ganito?

John: Tama na, Elaine, pagod na `ko.

Elaine: Pagod na rin ako (katahimikan). Gaano ba kasarap haplusin ang baril? Ga’no nga ba ito kasarap hagurin nang hagurin? (Patlang) Paano ba maging baril?

John: Ilang taon na tayong magkasama.

Elaine: Oo nga, yun nga ang problema. Ilang taon na tayong magkasama. Dalawa tayo no’ng nagsimula, hanggang ngayon dalawa pa rin tayo.
John: Iyan na naman ba ang pag-uusapan natin? Siguro hindi pa ta tayo handa.
Continue reading Tilamsik ng Dugo

Dangaw

Play by | July 12, 2015

(CAN UTILIZE HUMAN PROPS IN BLACK AS ANINO, UTILIZE PUPPETS, SHADOW PUPPETRY)
1 SINUGDANAN:
(NAKA-TROMPA)
 

(THE REST OF THE PERFORMER NAKA SHADOW PUPPETRY-HUMAN PUPPETRY-TABLEAUX IN SILHOUETTE ON WHITE CLOTH)
 

(NARRATOR ATUBANGAN SA AUDIENCE)
Mga kahigalaan
Magsugod na, nia na
Ang pasundayag, ang pasundayag

(2ND VOICE)
Ayaw na pagdugay-dugay, ayaw pag-pahayahay
O hinay hinay ra manang

(2ND VOICE)
daghan pa
O hinay-hinay ra manong duna pa
O dong day ayawg dagan dili matungkad
Kay madagma unya ka ayaw ra ipahuwad
Ayaw kabalaka
Kay dili pa magsugod
Kung dili pa
Muabot ang imong presensya
Mga kahigalaan ania na dyud

(MIGIKAN SA SHADOW /WHITE CLOTH SA LIKOD; SULOD IN TRIANGULAR FORMATION)
ang mag-dudula sa entablado
gikan pa sa hilayong dapit

(TOROTOT, THROUGH HUMAN VOICE)
Gilukdo Ang kalibutan para ka ninyo
Hilasa ana uy

(HUBOG, NAGDALA UG GITARA)
O cge ania na, mas maayo pa nga maminaw kamo sa akong istorya
Gikan sa hilayong dapit, ayaw kabalaka dili nani muhapit
Sa patag, sa basakan, sa buntod, sa nihit,
Diretso na sa langit
Continue reading Dangaw

Kawanangan

Play by | July 5, 2015

Mga Tauhan:

Isagani – 26, struggling artist. Intelihente pero usahay weirdo.
Miguel- 28, law student. Seryoso ug hilumon.

Setting:

Usa ka gamayng balay sa San Fernando Cebu nga nag atubang ug dagat. Sekreto nga lugar ni Isagani ug Miguel. Usa ka gabii sa karon nga panahon.

(Pagsiga sa suga, adunay upat ka bangko sa entablado. Daan kining nakaporma ug kwadrado paatubang sa audience. Musud si Isagani gikan sa audience nga adunay bitbit nga pisi. Ihikot niya ang pisi sa upat ka bangko nga pinakahon. Mura niya’g ikulong iyang kaugalingon. Muadto siya sa tunga niini, mutan-aw sa iyang gibuhat nga kahon, mutan-aw sa palibot, ug musugod sa iyang monologo.)<\i><\center>

ISAGANI

Taga-gabii sa kaniadtong bata pa ko, pirmi ko paihapon sa akong lola ug mga bituon.

(Itudlo ang kamot sa langit ug magsugod ug ihap.)<\i><\center> Usa, duha, tulo…
(Mubalik sa audience)<\i><\center> Suma pa niya, mangawagtang daw ang mga bituon pag di sila pang-ihapon. Kay daw, sila ang pinakaluoran nga elemento sa kawanangan. Upat, lima, unom…

Uy! Takdol man diay ang bulan! Bantog ra nagsaulog ang mga bawod sa dagat. Hilom pero mabugnawon ang hangin mao nang mabati’g kusog ang awit sa mga timos. Hay! Kanindut! “Bulan, usa ka gamayng buslot sa langit, li-lianan sa mga bathala.” – maoy ingon sa akong propesor sa Literatura.

(Mutaas ang tingog nga murag manawag ug mga kalag)<\i><\center> Oh! Mga bathala! Dungga akong mga damgo! Bathala sa gasa! Bathala sa gugma! Nangamuyo ako! Ohhhmmm! Ohhhmmm!
(Nag bugalbugal ug meditate. Taud-taod, mukalit kani ug katawa.)<\i><\center>

Shhhh! Ayaw ug saba! Mabuyagan unya ta!

Makapanglimbawt ang kahilum. Mura ba’g, ikaw ray usa sa kalibutan. Ikaw ray usa sa dako ug ngitngit nga espasyo. Ikaw ray usa sa wanang.

Continue reading Kawanangan

Pangposas Nga Panyo

Play by | November 9, 2014

Sa istasyon sa pulis. Hapon.

Miduol si Liling, usa ka kwarintay-singko nga babayi, sa lamisa kung asa adunay babayi nga pulis. Sa iyang atubangan, adunay usa ka lalaki nga naka-polo. Gihiktan ang mga kamot sa lalaki gamit ang usa ka pink nga panyo. Gisenyasan ni Liling ang lalaki nga muingkod tapad sa ubang mga pulis nga nangape. Nipuwesto siya sa tunga sa istasyon nga nakatindog.

Liling: O, maayong adlaw mga Chief! Maayong adlaw kaninyong tanan! Siguro katingalahan para ninyo nga ania ko diri karon, nagdala ug usa ka lalaki nga giposasan nako ug panyo. Pink pa gyud nga adunay mga gagmay’ng bulak-bulak sa kilid. Mga Chief, ako siyang gipabantay sa inyo karon. Pero sa kadako sa iyang sala, dili siguro ni siya mudagan samtang ania pa ko.

Ako si Liling, usa ka labandera lang intawon didto sa Sampaguita. Dili ako ang kanang maong panyo. Kanang akong gipangposas kay gipalaba sa akong silingan, pero dili gyud nako mabalik sa tag-iya. Ang kanang lalaki sa inyong tapad kay akong ipakulong tungod sa hastang pagkapangit nga pagkapa sa piano didto sa Mintal, ug sa pag-undang ug tugtog sa tunga-tunga sa kantang “Amahan Namo”.

Pasensya, Chief. Basin abi ninyo bugal-bugal lang ni akoa ba. Pero dili. Wala nay mas ikaseryoso nga akong himuon sa akong tibuok kinabuhi. Gusto gyud nako siya ipakulong diri nga istasyon sa pulis. Bisag mga pipila lang intawon ka adlaw.

Continue reading Pangposas Nga Panyo

Ang Kinabuhi sa Usa ka Minyo

Play by , | September 28, 2014

Mga Magdudula:

Sarah – 25 anyos, dalaga

Myrna – 25 anyos, minyo

Hugna: Sa usa ka bar, naghulat si Sarah sa iyang barkada na si Myrna. Nagalingkod si Sarah sa ilang kanunayng puwesto, adunay lamesa sa tunga sa duha ka magkaatbang nga bangko. Naay duha ka menu sa lamesa. Alas otso ilang sabot apan mag alas otso y media na, wala lang gihapon si Myrna. Mga pipila ka minuto, miabot si Myrna.

MYRNA: Ganina ra ka ‘Day? (milingkod sa atbang ni Sarah) Sorry, I’m late. Nag-ilis pa kog lampin ni JR.

SARAH: (nikatawa) Lagi. Klaro man. Medyo nanimaho pa gani ka’g tae, Girl.

MYRNA: Tse! Suya lang ka. Buotan kayo ang akong JR uy kay natulog na gyud siya para makaadto na ko dinhi..

SARAH: Oh siya siya. Mag order sa daw ta noh.

MYRNA: Unsa man ni ilang menu uy. Puro man sad burger ug fries, klase-klase ray tawag. Maayo pa akong niluto sa balay.

SARAH: Char uy! Diha ka? Kanus-a pa ka natuon ug luto, girl?

Continue reading Ang Kinabuhi sa Usa ka Minyo

Vigilante

Play by | May 18, 2014

vigilanteTauhan:

Jaime Villareal, 19
Bobot, 32
Alfonso Almeda, 27

Pook: Isang kanto sa baryo na malapit sa bahay ni Alfonso

{Music}

(Nakaupo si Jaime at Bobot sa harap ng isang maliit na mesa. Kararating lang ni Jaime na may dalang tasang may kape, habang si Bobot ay umiinom mula sa isang bote ng alak.)

BOBOT: Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo, bata?

JAIME: (nininerbyos) Ah, nagkakape po.

BOBOT: Bata, mas lalo ka lang ninerbyosin sa kape. Teka, ikukuha kita ng isa pang bote. Di naman malayo yung karinderya. (Magsisimulang tumayo si Bobot.)

JAIME: Ah, huwag na po, Sir. Okay na ako. Sanay naman ako na magkape kapag kinakabahan, tulad na lang kapag nag-re-review ako para sa exam.

BOBOT: Aha! Iyan ang gusto ko! Parang exam lang nga ang gagawin natin ngayon. Hep, hep, ako ang ga-grado sa iyo, kaya pagbutihan mo, Jaime..Jaime ano? (Tatango si Jaime.)

BOBOT: Teka, bata, talagang nakapag-aral ka?

JAIME: Nakapagtapos po ako ng haiskul. Tapos kurso sa TESDA, computer hardware repair.

BOBOT: Ah, wow! Ang talino mo pala talaga! Pero alam kong kinakabahan ka. Chill ka lang! Kaya nga nagkukuwentuhan tayo ngayon. Ito talaga ginagawa ng mga boys bago ang gig. Di ka ba sinabihan ni Anton tungkol sa SOP namin? (Tatawa si Bobot habang sinusuri ni Jaime ang paligid.)

JAIME: Di po ba parang medyo malakas ang boses nin— . . . Mga boses natin?

BOBOT: Yun nga! Pagsususpetsahan tayo kung para tayong mga patay na nakatambay at di nag-iimikan. SOP namin yan. Magkuwentuhan. Mag-inuman. Parang wala lang. Plus, mas mare-relax ka pa kung ganito, chill ka lang bata. Sigurado kang ayaw mo? (Iaalok ni Bobot ang kanyang bote.)

Continue reading Vigilante

The Moon and the Sea

Play by | August 11, 2013

I saw the moon
bow before the sea
bestowing her diamonds
in an attempt to
calm her riptide
high
low
high
low
splash
splash
the surface glitters
the moon illuminating
and bold
yet the waves
never falter
’til the sea cried
to the moon
“never can you
bring me to
sleep.”


Krisini Nanini is currently taking up MA in Business Administration at Ateneo de Davao University.

Bahagharing Puti

Play by | August 11, 2013

Bahagharing Puti 
by Imer Caiz

Sabi mo, nakakabagot ang
puting dingding ng iyong kuwarto
Narito ako’t nakatingala sa
mga sulok, ipinipinta ang
Mahinhing hugis ng
pula mong kilay,
Mapagmalaking kurbada ng
dalandan mong labi,
Mapayapang tangos ng
dilaw mong ilong,
Mausisang batak ng
berde mong buhok,
Maaliwalas na haba ng
bughaw mong tainga,
Katamtamang bukadkad ng
lila mong mata
Nakalulungkot ang
puting dingding ng
aking silid


Imer Caiz was a BS Electronics Engineering student of the Ateneo de Davao University; recently relocated to Cebu City.

Limos

Play by | August 4, 2013

Mga Tauhan:
Rick, 25, nars, nagtrabaho sa call center pero agad nag-resign
Nimfa, 28, pulubi, nagkukunwaring bulag
Mga taong dumadaan

Lugar:
Hapon. Sa labas ng simbahan. Sa may bangketa. May lata sa harap ng nakaupong pulubi. Tumutugtog siya gamit ang harmonika. May mga dumadaan na mga tao. Paminsan-minsan sila ay naghuhulog ng barya sa lata. At paminsan-minsan din ay palihim na nagrereklamo si Nimfa sa mga baryang hinulog.

Nimfa: (Sa sarili.) Ang babarat naman! Ang gagara ng mga damit pero singkwenta sentimos lang ang binibigay. Pero ayos na rin ‘to kaysa wala. (Bibilangin ang mga barya at mabilis silang ibubulsa.)

(Mapapadaan si Rick sa harap ng pulubi. Mahahalata niya ang ginagawa nito. Mapapansin ni Nimfa kaya’t pasimpleng hihirit ng…)

Nimfa: Limos… Palimos po… Maawa po kayo…

Rick: Anong palimos-palimos ka diyan? Hey! I saw you. I saw what you just did, Ate. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Binibilang mo yung mga coins.

Nimfa: Kuya… Konting tulong lang po…

Continue reading Limos

Pag-asa ng Drug Pusher sa Davao

Play by | July 14, 2013

Mga Tauhan

FRANZ Maranan: 22, binata. Medyo mahaba ang buhok at may kaunting balbas.

GNG. MARANAN: 55, ina ni FRANZ. Naka-pusod ang buhok. Naka-salamin at may pagka-pormal ang damit.

PULIS: 40, lalaki

DDS: lalaki, mahigit 30, naka-itim na balat na jacket at maong na pantalon. Maayos ang suklay ng buhok. Magalang sa pananalita.

Mga NARS, ibang pasyente at bisita sa loob ng ward

Tagpo: Sa ward ng isang pampublikong ospital sa Davao City, takip-silim.

Magaganap ang kabuuan ng dula sa loob ng isang araw

Walang malay na nakahiga si FRANZ sa kama, walang damit pang-itaas, ngunit may duguang benda sa tiyan. Abalang pumaparoo’t parito ang mga NARS sa ward, inaatupag ang ibang pasyente.

Papasok si GNG. MARANAN at ang PULIS.

PULIS: Sa tiyan siya banda natamaan ma’am, pero wala man siya maano sabi ng doktor.

GNG. MARANAN: Asan niyo siya nakita, sir?

PULIS: Sa Boulevard, ma’am. Nakatanggap man gud kami ng tip na meron na naman diyan banda… Swerte yang anak niyo ma’am ba, patay gud yung dalawa niyang kasama.

GNG. MARANAN: Salamat, sir.

(lalabas ang PULIS)

(tititigan ni GNG. MARANAN ang binata, bakas ang pag-aalala, pagka-irita at dalawang taong pangungulila sa mukha.)

(manunumbalik ang malay ni FRANZ. Magugulat at maiilang siya pagkakita sa ina.)

FRANZ: Mang…

GNG. MARANAN: (pagod. Bubuntong hininga.) Kelan ka huli nagpagupit, ha Franz? Kapangit na niyang buhok mo, o..

FRANZ: (mapapapikit sa irita) …Asan sila papang?

GNG. MARANAN: Nasa-opisina. Si ate mo din. (uupo sa tabi ng kama. Kapos sa salita) ‘yan, ano na nangyari sa iyo?

FRANZ: (hihiga patalikod sa ina. Sa sarili) Magsesermon na naman. (sa ina) Ano sa tingin mo?

Continue reading Pag-asa ng Drug Pusher sa Davao