Kape Mula sa Hapag

Poetry by | February 16, 2014

Mas mahimbing tulog ko sa sala
Sa sahig, upuan o sofa
Ikaw may babangungunit
Ikaw ri’y magigising

Pinipilit binubuka
Ang matatamlay na mata
Pilit ginigising ang isipan
Upang magsaing ng tubig sa umaga

Mga bitwin sa gabi naninigas pa
Mga mansta sa bangin ng bunganga
Mga asin sa labi tuyong –toyo na
Ayaw ong magsalita nangngamoy ang bunganga

Nakatayong tasa
Palubog na kape
Daloy ng tubig
Natutunaw’ng asukal

Dahan-dahang sinasagi
Ang manit na kape sa labi
Dahan-dahang sinasagi
Mainit na kutsara sa labi

Sumasayaw ang usok sa ere
Palaroy-laroy ang kaluluwa ng kape
Nanainaginip ng wala
Nag-iisiip subalit nakatung-nga

naghihintay ng wala
nakatingin sa bawat isa
Walang imik, walang salita
Babangilan ang gutom sa sikmura

May tinapay
wala namang palaman
hindi mapalagay
Ilu-lob- lob nalang ang pan

Sumasayaw ang usok sa ere
Palaroy-laroy ang kaluluwa ng kape
Nanainaginip ng wala
Nag-iisiip subalit nakatung-nga


Sunod-sunod ang timpla ng kape ni Noy Narciso sa Catalunan Grande.

Sanayan Lang

Poetry by | February 2, 2014

Sabi ni pareng bert sanayan lang ang pagpatay

Sabi ko naman sanayan lang din ang pag nakaw
Sanayan lang din ang magdadala ng pagkain mula sa handaan
Sanayan lang ang kapalan ng mukha
Sanayan lang din ang uutang at umilag

Sanayan lang din ang kukupit
Sanayan lang din ang gumising ng umaga
Sanayan lang din ang ma late
Sanayan lang din ang hindi magbalik ng barya

Sanayan na din ang fixing
Sanayn lang din ang cheating
Sanayan land din ang waiting
Sanayan lang din ang maging corrupt

Nong malaiit pa ako

Nasanay na din akong pumuslit ng kendi sa tindahan ni aling mimi
Nasanay na din akong kumupit ng barya sa sapatos ni tatay
Nasanay na din akong kumain ng bagoong, noodles at mag-kape
At nasanay na din ang magkaroon ng diabetes at U.T.I.

Sanayan lan din ang managalog, mag-bisaya o mag-englis

Sanay na tayo sa telenobela
Sanay na tayo sa hiwalayan, barilan at romansa
Sanay na tayo sa fast food

Sanayan lang din ang mag-kunwari
”Dahil sa hiya at garbo,Sabi ko vegegtarian ako”
Pinanindigan ko
Nang sumali ako sa retreat…. nagulat ako binigay sa akin carrots, sayote,…walang mayonnaise
Napasubo ako

Sanayan lang din ang magyabang
Sanayan lang din ang gutom at kahirapan
Sanayan lang din ba ang mag-iwan ng pagkain sa hapag na hindi nauubos?
Sanayan na lang ba ang maging mahirap o mayaman?
Sanayan na lang din ang pag-papanday ng kanya-kanyang kasaysayan

Di ka nasanay mahirap sa talaga sa pinas
Sanayan na din ang palingon- lingon,patingin-tingin tingin, pasulyap sulyap
Ikaw !
Anong nakasanayan mo?


Si Noy Narciso ay nagtuturo sa Ateneo de Davao.

Garay sa Hinatuan

Poetry by | May 8, 2011

Nagtuyatuya nga baruto sa kawakatan
Pino ang lutaw sa tayam

Kamingaway kini nga lugar
Gamayay nga bakatay
Naglutayay sa tayam

Nagbarog uban sa tungki
Giugbok nga kawayan
Samtang gakinto ang bakhaw sa tayam

Hagdan–hagdang panganod
Latayan sa mga damgo
Padulong sa buwan
Landong na unta
Abogon pa dyod sa hangin
   (Dec. 26- 29, 2009, Hinatuan, Surigao del Sur)


Si Noy Narciso uska magtutudlo sa Ateneo de Davao University. Daghan siyag talento: musikero, aktor, direktor, pintor, eskultor.

Sa Pagitan ng Kahapon at Ngayon

Play by | December 6, 2009

Panahon: Gabi. Sa kwarto. Sa isang bayan. Dalawang matanda. Sila na lang dalawa ang naiwan sa bahay, sa kanilang sariling bahay. Ang mga anak nila’y nag-sarili na rin at nakapag-asawa na. Isang panahon sa isang sulok. Sa isang takdang panahon.

Mga karakter:
Lola Eneng (tipikal na matanda, ang damit duster na may long sleeve na nakasapaw at may belo para sa lamig)
Lolo Iniong (tipikal na matanda, naka pajama, naka sando at t-shirt sa loob at nakasapaw ang polong suot; may salamin at may dalang tungkod, at may tuwalya sa balikat).

Unang maririnig ang plawta pagdaan ng 16 counts. Papasok ang gitara (16 counts). Nakapwesto na si Lola Eneng at Lolo Iniong sa gitna ng entablado. Ilaw naka-dimmer lights, spot light (yellow at blue) over the head ang ilaw. Pag middle light na , makikita na sila ng tao. Maguumpisa na sa pagtimpla ng kape si Lola Eneng.

Continue reading Sa Pagitan ng Kahapon at Ngayon

Banig

Poetry by | November 2, 2008

Usa ka balak-dula

Gabii na sab. Ilatag ko na pod ang banig, labi na sa bugnawng gabii, ang likod way laing ikasalig. Nangatastas na kining banig. Mikupas ug miyatyat na. Hapnigan nakog baga nga habol aron di sakit higdaan.

Isangit ang higot niining moskitero. Sa paglabay sa panahon dili ko na madali-dalig syumoy kining tali sa lansang (mokatawa). Gakurog akong mga tudlo. Ipiton og unlan kining parte sa moskitero nga nabangag aron dili makasulod ang lamok. Usahay mosindi kog katol, unya payak-on kini sa botelya. Ang aso morag panganod sa ibabaw sa moskitero, apan morag dili na madutlan ang lamok niini.

Sa dihang andam na ako mohigda, ang mabilin nga suga mao lamang ang lamparilya. Ang kayo niini morag gapirok-pirok, gakipat-kipat mora bag mapawng, nahadlok, giyaga-yagaan og gitik sa hangin nga molili ning payag.

Continue reading Banig